Tuesday, May 29, 2012

Dear Girls,

Dear Girls,

Masarap magmahal, Pero mahirap manligaw
Kailangan mong maging utusan
Tagabitbit ng bag, Tagabili ng inumin
Taga-paypay pag mainit, Taga-bayad ng pamasahe
Taga-sundo sa kanto
-Mahirap pero masaya.
-Ganyan siguro talaga
Kailangan mong hindi magDOTA, Para makaipon sa date.
Kailangan mong di kumakain, Pampanood ng sine.
Kailangan mong magload, Para matext lang siya pag-uwi.
Minsan naghihintay ng matagal, Tapos hindi rin sisiputin.
Minsan di pwedeng magalit, Baka magtampo.
Di na nakakapagbasketball. Di na nakakasama sa barkada.
Pero ayos lang. Lahat gagawin ko
Kahit dagat, tatawirin ko, Kahit ilang sampal, titiisin ko.
Kahit gaano katagal,Maghihintay ako. Mahal kasi kita eh.
Yan ang totoo.
Pero bakit ganon? Ginawa ko naman ang lahat.
Kulang pa ba? Sabihin mo lang.
Kahit ano gagawin ko. Wag ka lang magsawa.
Kasi hindi ko kaya. Sana pagkatapos ng mga salita kong ito..
Makita mo rin ako. Maramdaman mo rin…
Kung gaano kita ka-MAHAL. Kung gaano kita iningatan.
Kung gaano kita pinahalagahan. Hindi ka man sumagot ng ”Oo”
Hindi man ngayon.. Hindi man bukas..
Kahit hanggang wakas.. Nandito lang ako
Nagmamahal sayo, Wag lang sana dumating ang araw
Na kung kailan handa ka na para bukas.. Ang bukas naman ang hindi handa para sa iyo.
Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo.. Kahit ilang hampas titiisin ko..
Kahit maubos na ang baon ko.. Kahit ilang oras maghihintay ako.
Kahit ilang bag bibitbitin ko.. Kahit ilang kanto pupuntahan ko
Kahit magmukha na akong electricfan kakapaypay sayo Kahit magmukha na akong aso kakasunod sayo
Kahit mapudpod na ang daliri ko kakatext sayo.. Kahit lahat ng ‘Kahit’ sa mundo..
Hindi ako susuko.. Hindi ako magbabago..
Dumating man ang araw.. Na hindi handa ang ‘Bukas’ para sayo..
Isasama kita pabalik sa ‘kahapon’. Kung saan tayo nagkakilala..
Kung saan tayo nagkasama. Sapat na sa akin ang ‘Kahapon’..

Dahil kasama kita doon.
-Boys ♥

No comments:

Post a Comment