Tuesday, June 19, 2012

Stages of Move-On




                                           Stages of Move-On

1.Pain-      Natural lang naman na masaktan at umiyak ka pagkatapos ng break-up. Nagpapatunay lang yan na nagmahal ka talaga.

2.Anger-      Hindi mo naman maikakaila na galit ka sa kanya kasi iniwan ka niya. Ayos lang naman magalit pero wag sobra, pero mas okay din kung yung galit mo dadaanin mo nalang sa iyak kesa kimkimin mo mas okay yun atleast nababawasan yung sakit at galit na nararamdaman mo.

3.Bargaining-      sabi lang toh ni Papa jack :). Eto na daw yung time na naghihintay at umaasa ka pa din na babalik sya sayo kahit alam mong malabo na kasi may mahal na siyang iba.

4.Acceptance-       Eto na yung last stage. Dito muna talaga mari-realize na wala na talaga kayo. Kaya wala ka ng ibang magagawa kundi tanggapin yun kasi no choice kana nga >.<. 

                          Pero darating din naman yung time na mawawala na talaga yung feelings mo para sa kanya kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mangyari yun.

•Ang pagmumove-on kasi nasa tao yan, bakit kapa magtatanong sa iba kung panu mo sya makakalimutan kung alam mo naman talaga sa sarili mo kung pano diba?. 

Tsaka hindi ka talaga makakamove-on kung lagi mong binabalikan yung mga bagay na konektado sa kanya.

Kung iniwan ka man niya dahil nagmahal siya ng iba. Wag kang umiyak ng umiyak, magmove-on ka at ipakita mo sa kanya na naging maayos kapa din nung iniwan ka niya [revenge lang haha >:)] 

pero para din naman yun sa sarili mo. Darating din naman yung time na ikaw mismo ang susuko kasi pagod kana sa kakaisip at kakaiyak dahil sa kanya. Madami pa namang iba dyan na mas higit pa sa kanya, subukan mo kasing ituon yung atensyon mo sa iba na pinahahalagahan ka hindi yung sa kanya na iniwan kana.

4 comments: