Monday, February 11, 2013

PARA SA MGA SINGLE

DARATING DIN YUNG ARAW NA…

-Hindi mo na kailangang magtanong ng number sa katabi mo sa tuwing mabubulunan ka para malaman mo kung sino ang nakakaalala sayo.

-Hindi mo na din kailangang magpalipat lipat ng upuan habang kumakain para dumami ang manliligaw mo.

-Hindi mo na kailangang labhan araw araw ang punda ng unan at kumot mo dahil sa wakas ay may yayakap na din sayo.

-Hindi mo na kailangang ubusin ang petals ng bulaklak na hawak mo para hulaan kung mahal ka ba niya o ano.

-Hindi mo na din kailangang suhulan ang kaibigan mo na samahan kang magmall dahil andyan na siya para samahan ka.

-Hindi mo na kailangang ihulog ang lahat ng tinidor sa bahay niyo para dumating yung lalaking para sayo.

-Hindi na din magsusugat ang tuhod mo kakadasal sa simbahan ng Quiapo para ipafollow up sa Kanya yung request mo.

-Hindi mo na din kailangang ubusin ang coins sa bulsa mo para hilingin sa mahiwagang balon na dumating yung tamang tao para sayo.

-Hindi mo na din kailangang pigilan ang kapatid mo na maglikom ng pinagkainan habang kumakain ka sa takot na maging single ka.

Darating din siya. Konting tiis pa.

6 comments:

  1. nice one!

    Darating din siya... konti pa...

    ReplyDelete